Title: ¡Caiñgat Cayo!
Author: Fr. José Rodriguez
Release date: April 10, 2006 [eBook #18141]
Language: Tagalog
Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, Jeroen
Hellingman and the Online Distributed Proofreading Team
at http://www.pgdp.net
Transcriber's Note: The following collector's foreword is being included in this edition although it does not form part of the original publication.
"This pamphlet was distributed almost for free in 1888 to malign Dr. Rizal and his writings. The author is a spanish priest of the Augustinian order.
On August 3 of the same year, Marcelo H. Del Pilar writing under the name "Dolores Manapat" wrote a pamphlet in answer to Fr. Rodriguez's work which he entitled "KAIIGAT KAYO" (Be slippery as an eel).
It could be said that the malicious work of Fr. Rodriguez became the spark that ignited and destroyed the power of Spain over the Philippines.
J.C. Balmaseda-J.C.B."
Paalala ng nagsalin: Ang sumusunod na pasimula ng taga pag-ingat ng libro ay isinasama sa edisyong ito bagaman hindi kasama sa orihinal na pagkakalimbag.
"Ang polyetong ito'y ipinangalat nang walang bayad halos noong taong 1888 bilang paghamak kay Dr. Rizal at sa mga akda nito. Ang may katha ay isang paring kastila sa pangkat ng mga agustino.
Noong ika-3 ng Agosto ng taon ding yaon, ang polyetong ito ay tinugon ni Marcelo H. del Pilar sa isang polyeto ring pinamagatan namang "KAIIGAT KAYO" na may lagdang "Dolores Manapat".
Masasabing ang 'kalikutang' ito ni Fr. Rodriguez ay siyang naging titis na nagsiklab at siyang pumugnaw sa Kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas.
J.C. Balmaseda-J.C.B."
May lubos na pahintulot ang mañga Puno
Ang librong ito,i malilimus sa halagang isang cuarta ang isa; sa halagang sangsalapi ang sangdaan, at sa halagang apat na piso ang sanglibo, doon sa Asilo de Huérfanos sa Guadalupe, sa bayan nang san Pedro Macati, provincia nang Mainila.
Ang sulat na hing̃i ay ipadala sa P. Director cun sa Hermano Inspector nang Asilo, at bahala sila magpadala sa ituturong padadalhan sa Mainila.
Pequeña Imp. del Asilo del Huérfanos 1888.
Páhiná 1Caiñgat ñga cayo sa mang̃a masasamang libro,t, casulatan, sapagca,t, dapat ninyong tantoin na may isang cautusan ang santa Iglesiang Ina natin na ipinagbabaual ang pagbasa nang mang̃a masasamang libro,t, casulatan, pati nang pag-iing̃at at pagcacalat noon; at ipinag-uutos pa na ang sino mang magcamayroon nang gayong libro,i, ibigay agad sa mang̃a Puno nang santa Iglesia, sa Confesor cun sa Amang Cura caya; at cun sacali,t, di maibibigay ay sunuguin man lamang tambing. At ang utos na ito,i, Páhiná 2mahigpit na di sapala, na cun di ninyo ganapin ay icapagcacasala ninyo nang casalanang daquila, at cun magcaminsa,i, maguiguing excomulgado pa cayo dahil sa pagbasa noon. Caya cun cusain ninyong basahin ang isang librong natatalastas ninyong baual nang santa Iglesia ay magcacamit cayo nang casalanang daquila, at cun sa saui ninyong palad ay abutin cayo nang camatayan sa gayong calagayang ay mapapacasama cayong magpasaualang hangan.
Ang mang̃a Puno nang santa Iglesia, sa macatouid, ang santo Papa at ang mang̃a Poong Cardenal na pinatungculan niya, sampon nang mang̃a Guinoong Obispo, ay mayroon silang capangyarihan macapagbabaual nang balang mamasam-in nilang librong icasasama nang mang̃a calolouang quinacaling̃a nila; at caya ng̃a Páhiná 3catungculan naman nang baua,t, sino mang cristianong sundi,t, ganaping lubos ang canilang mang̃a utos tungcol dito.
Ang balang minamasama,t, ibinabaual nila,i, tinatandaan nama,t, isinasacay sa isang librong pinacalistahan nang mang̃a librong baual at masasama. Ng̃uni,t, palibhasa,i, hindi mangyayaring mabalitaan nila,t, maquita ang lahat na mang̃a masasamang librong ipinagcacalat sa sangcacristianohan; na caya,t, di naman mangyayaring matang̃ing maipagbaual na lahat; at sa cabila nama,i, cun itulot na basahin hangan di tang̃ing ipagbaual ang mang̃a gayong libro,i, macasasamang lubha sa mang̃a caloloua; dahil dito,i, ang santa Iglesia, ang mang̃a nasabing Puno baga nang santa Iglesia, upang mahadlang̃an hangan macacayanan din Páhiná 4lamang, ang gayong mang̃a calaguim-laguim na capahamacan, ay mayroong ibinigay sa atin nang mang̃a utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang̃a libro, na, cun di pa tang̃ing ipinagbaual, ay dapat nating parahing baual; at cun sacali,t, basahin ay ipagcacasala natin nang casalanang daquila, na para rin cun basahin ang tang̃i nang ipinagbaual.
Isusunod co ng̃ang sasaysayin dito ang mang̃a pang̃ulong utos na paraang aquing sinabi, at nang mapagquilala mo, guiniguilio cong bumabasa nito, ang dapat mong asalin tungcol dito sa lubhang mahalagang bagay na icaliligtas nang caloloua mo sa capahamacang ualang hangan.
Ang caunaunaha,i, baual ang lahat na mang̃a libro sa Santong Casulatan na inihulog nang mang̃a ereje sa uicang castila, cun sa uicang tagalog, cun sa alin mang uica; cun sacali,t, cristiano man ang maghulog ay cun ualang pahintulot ang mang̃a Puno.—Caya ng̃a ang lahat na mang̃a libritong hang̃o sa santong Sulat sa bagong Testamento, na ipinagcacalat na limbag sa Oxfort at sa Hong-kong sa uicang castila at cung magcabihira,i, sa tagalog, ay pauang baual; sampon niyang mang̃a Evangeliong uicang castila cun tagalog caya, na iniing̃atan nang marami, cun isinasabit sa liig na parang anting-anting, ay baual din naman.
Ang icalaua,i, baual din ang Páhiná 6mang̃a librong sadyang nagtutucoy, nagsasalita, cun nagtuturo caya nang calibugan, cahit doo,i, ualang nahahalong maling aral cun erejía caya.—Alinsunod dito,i, baual iyang lahat na mang̃a palasintaha,t, auit at corridong paraparang mahahalay, na totoong quinauiuilihang basahing nang caramihang mang̃a tagalog, lalaqui man at babayi man. ¡Daming ba pa nang mang̃a nang̃apapang̃anyayang caloloua dahil dito sa mang̃a tampalasang auit at palasintahan! Cun touirin ninyong mabuti ay agad matatalastas na ang pagcapang̃anyaya nang di mabilang na mang̃a bagong-tauo,t, dalaga,i, nagmula sa pagbasa nitong mang̃a baual na auit at palasintahan.
Ang icatlo,i, baual naman ang mang̃a devociones cun tauaguin, ang mang̃a panalang̃in, at mang̃a Páhiná 7casulatang quinapapalamnan nang mang̃a pang̃acong sinung̃aling, na di umano,i, ang mang̃a gayo,t, gayon ay ualang di pangyayari.—Caya ng̃a,t, alinsunod dito,i, iyang mang̃a panalang̃in, at iyang mang̃a casulatan na di umano,i, nalaglag sa Lang̃it, at nasumpung̃ang nacababao sa santo Sepulcro, sa altar cayang pinagmimisahan nang santo Papa, at iba,t, iba pang ganito na ipinalimbag sa mang̃a panahong ito sa uicang castila ma,t, sa uicang tagalog, at ipinagcacalat na mainam nang mang̃a alagad nang demonio, ay pauang baual, at ipagcacasala nang sino man ang pagdarasal at ang pagbasa noon, pati nang pagcacalat at pagiing̃at niyon.
Ang icapat ay baual din naman ang lahat na mang̃a libro, mang̃a munting fojas, at munti man mang̃a Páhiná 8casulatang nagtuturo nang panghuhula, panggagayuma, pangculam, at iba,t, iba pa.—Ayon dito,i, ipinagcacasala ang pagbasa,t, pag-iing̃at ang mang̃a lunario, cun tauaguin nang iba; at iyang lahat na mang̃a casulatang iniing̃atan nang mang̃a hang̃al na ualang namumuang̃an; na marahil cun caya iniing̃ata,t, pinaniniualaan ay di umano,i, sulat yaon nang mang̃a matatanda, na mang̃a hang̃al pa sa canila.
Ang icalima,i, baual na lahat ang mang̃a libro na hangan sa taon 1584 at hangan ng̃ayo,i, nilimbag ó lilimbaguing ualang itinuturong pang̃alan nang sumulat ó cumatha, nang nagpalimbag, nang pinaglilimbagan, pati nang panahong ipinagpalimbag; at cun sacali ma,t, may itinuro ang lahat nang ito,i, mang̃a hindi totoo ang itinuturo, at paconouari lamang; Páhiná 9sapagca,t, ito,i, nagpapaquilalang dapat pang̃anibang may taglay na lico,t masasamang aral na di dapat basahin nang isang cristiano.—Alinsunod dito,i, ang lahat na mang̃a auit at corrido, na arao-arao,i, ipinalilimbag na ualang pahintulot, at ualang itinuturong may catha, (na palibhasa,i, iquinahihiya ang sinulat ay di ibig na maquilala) ay paraparang baual na lahat; lalong lalo na,t, ang caramihan niyang mang̃a auit ay mang̃a punong puno nang mang̃a camaliang di naayon sa mang̃a aral nang santa Iglesia.
Gayon din naman iyang mang̃a libro,t casulatang ipinagcacalat ng̃ayon sa uicang castila at sa uicang tagalog na uala ring itinuturong may gaua,t, may palimbag; at ang laman niyon ay pauang cabulaanang laban sa señor Arzobispo at sa mang̃a Pareng Páhiná 10religioso, na pati nang mang̃a cagalang-galang na mang̃a Madre religiosa, ay di rin quinaalang-alang̃anan nang tampalasan nilang pluma, ay ang lahat na ganiyang mang̃a libro,t, casulatan ay baual na basahin, at ipagcacasala nang daquila ang pagbasa,t, pag-iing̃at noon, at lalong lalo na ang pagcacalat.
Pauang cabulaanan, uica co; sapagca,t, cun mapatotohanan nila sana ang canilang mang̃a sinasabi ay hindi nilang ipagmamacahiyang maalaman ang canilang mang̃a pang̃alan; at cun totoo sana ang laman niyang mang̃a carimarimaring sulat ay ualang sucat icatacot ang may catha man, ang lumimbag man, ó ang nagpapalimbag, at nagpapacalat caya, cahit sila,i, ipaghabla,t, isacdal sa Justicia nang mang̃a pinararatang̃an nila nang gayong mang̃a casamaan. Páhiná 11¡Tunay ng̃a pala na ang mang̃a nagcacalat nang mang̃a gayong sulat na anónimo (ualang pang̃alan) ay sucat ipaquibilang sila sa mang̃a tauong ualang hiya!
Ang icaanim ay baual ang lahat na mang̃a librong sulatin cun ipang̃alat, na ang taglay na laman ay mang̃a maling caisipa,t, mang̃a aral na laban sa pinasasampalatayanan sa atin nang santa Iglesia.—Gaya nang̃a baga nang librong catha nang Dr. Rizal, na ang pang̃ala,i, Noli me tangere, na pinupuri,t, binabasang ualang agam-agam nang maraming natuturang cristiano, baga ma,t, sa pagbasang ito,i, nagcacamit sila nang casalanang daquila; sapagca,t, ang nasabing libro,i, punong puno nang mang̃a erejía,t, mang̃a aral na laban sa ating santa Religión. Halos sa Páhiná 12baua,t, fojas at sa baua,t, talata ay may mababasa roong mang̃a sabing sinung̃aling, mang̃a udyoc na capangahasan, mang̃a nacamumuhi,t, mahalay na iparing̃ig sa mang̃a tunay na cristiano, mang̃a paglalapastang̃an sa mang̃a cagalang-galang na Puno nang santa Iglesia at sa caramihang cristiano, mang̃a pagsisiphayo sa Dios, mang̃a camangmang̃a,t, cahunghang̃ang humihicayat sa pagcampi sa tacsil at sucab na si Lutero at sa iba pang mang̃a ereje, mang̃a aral na lubhang lihis at mang̃a erejíang tunay; ano pa,t, hangan sa umuudyoc upang houag sampalatayanang may Dios. Ang lahat nang ito,i, pauang mababasa diyan sa tampalasang libro, at caya baual na basahin, at ang pagbasa noo,i, isang lubhang mabigat na casalanan. At ang may catha noon, Páhiná 13ang Dr. Rizal baga, cun taimtim sa caniyang loob ang mang̃a sinulat niya sa nasabing libro at hindi pa niya pinagsisisiha,t, tinatalicdan, ay dapat na ariin siyang tacsil at tampalasan sa Dios, ereje at excomulgado.
Tingni, mang̃a guiniguilio cong tagalog, tingni,t, masdan itong caauaaua capoua ninyong tagalog, na pinupuri nang marami sa inyo na parang ualang capara sa carunung̃an; ualang dao ga sino si Rizal; di umano,i, capurihan dao nang lahi ninyong tagalog, na sucat ninyong ipagparang̃alan. ¡Ay sa aba co! At lalong catampatang sabihin, na sucat inyong ipagmamacahiya ang gayong cahabag-habag na bulag na loob; sapagca,t, siyang caunaunahang tagalog na cusang gumamit nang caniyang camay sa pagsulat nang mang̃a catacot-tacot na catampalasanan sa Dios, sa ating santa Religión cristiana, at sa mang̃a sinasampalatayanan natin.
Bucod pa sa siya,i, tampalasan, ay hañgal pa naman sa madlang bagay; sapagca,t, cun siyasatin ang pagcagaua nang nasabing libro,i, isip ninyong hindi ang camay nang may bait na tauo, cundi ang paa nang isang mangmang ang isinulat noon; at halos sa lahat nang fojas ay mapagmamalas na ang gumaua,i, hang̃al na Páhiná 14hang̃al sa paghahanay nang masanghayang pananalita, lalong lalo na sa uicang castila; ang totoong tang̃ing matatanghal doon ang sino man ay ang isang sucab at tacsil na pagcapoot niya sa ating santa Religión at sa España.
Ang icapito,t, catapusa,i, baual ang lahat na mang̃a librong malaqui ma,t, maliliit, ang mang̃a munting calat na casulatan, ang mang̃a diario, at balang nang sulat na ang laman ay lumalaban sa mang̃a aral nang santa Iglesia; ang tanang casulatang nagpupuri sa mang̃a camaliang hinati,t, sinala nang santo Papa, gaya nang mang̃a sinala ni Pio IX sa caniyang casulatang padala sa sangcacristianohan, nang 8 de Diciembre de 1864; ang balang nang sulat na cumucut-ya sa mang̃a Santong guinagalang nating sa mang̃a altar, cun nagsasalita caya nang mang̃a cabulaana,t, ipinataratang sa canila nang mang̃a Páhiná 15gaua, mang̃a uica,t, mang̃a acalang di ucol sa cabanalan; ang lahat nang mang̃a librong nanunuya sa mang̃a Sacramento,t, sa mang̃a ugaling paraang na ipinag-uutos nang santa Iglesia sa pagmimisa, pagdarasal, at sa iba,t, ibang mang̃a gauang magaling; at sa cauacasa,i, ang dilang casulatang sa conouari ma,t, di conouari ay cumacampi sa mang̃a camaliang aral na laban sa pananampalataya at sa mang̃a mabanal na asal.—Laban dito sa cautusang itong bigay nang santo Papang si Pio IX, upang masaula ang mang̃a cristiano sa pagbasa nang mg̃a masasamang diario, ay hindi lamang nagcasala ang mang̃a bumabasa nang balang na sa mang̃a nasabing casulatan, cundi pa naman ang nang̃acacatulong sa pagpalimbag at sa pagcacalat, gaya baga cun limbaguin, Páhiná 16ipagbili, bilhin, pasulat, at iba pa.
Ang pitong utos na ito,i hang̃ong lahat sa libro nang indice sa naturang casulatan ni Pio IX na dapat nating talimahi,t, ganapin, cun tunay nating ibig na mapacagaling.
Bucod pa sa rito,i, cun caya gayon ang ipinag-uutos nang santa Iglesia sapagca,t, ito,i, utos din naman nang Dios, na turo sa atin nang catutubo nating bait; na cahit di ipagbaual nang santa Iglesia, at mauala man ang listahan nang mang̃a librong baual na, at cahit di nagcaroon nang mang̃a utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang̃a masasamang libro, ay nagtuturo sa atin ang catutubo nating bait na di dapat basahin ang mang̃a Páhiná 17gayong librong masasama. At sa catunaya,i, magsabi ca sa aquin: ¿di caya baga mabigat na casalanang laban sa icalimang utos nang Dios ang cumain cun uminum caya nang lasong icatatapus nang sariling buhay, at icamamatay nang ating catauan? Ay ano ¿di caya baga lalong mabigat na casalanan ang cumain nang lasong icatatapus nang buhay nang atin caloloua, na icamamatay baga niya dahil sa pagcauala sa caniya nang pananampalataya? Diyata,i, pinatotohanan co sa iyo na ualang mabisang lasong icamamatay nang ating catauan na sucat mapara sa lasong taglay nang masasamang libro; lasong sacdal nang bisa sa icasisira nang pananampalataya,t, icamamatay tuloy nang ating caloloua; lason ng̃ang camatay-matay na capag nahahalata nating nasisilid sa ano Páhiná 18mang casulatan ay catungculan nating pang̃ilagan, at cun dili,i, magcacamit tayo nang mabigat na casalanan cun ituloy nating basahin. Caya ng̃a ualang maimatouid ang maraming bumabasa nang mang̃a librong limbag ma,t, sulat camay, gaya nang mang̃a cay Rizal, na ang itinututol nila,i, di pa ipinagbaual; sapagca,t, cun di pa tang̃ing ipinagbaual, ay baual na talaga, ayon sa mang̃a cautusang sinasaysay na; at bucod pa sa rito,i, capag naquiquitang may lason nang mang̃a erejía at mang̃a lisiyang aral ay ipinagbabaual nang catutubo nating bait, na nagpapaquilala sa ating yao,i, utos nang Dios. Sucat na lamang na sabihin sa iyo nang Confesor ó nang ibang mabait na Sacerdote, cun nang iba pa mang tauo na nacacaalam, at cahit icao man ang Páhiná 19macamasid na ang gayong libro,i, masama, at pagdaca,i, dapat mong bitiua,t, ibigay sa iyong Confesor cun sa iyong Amang Cura, at cun dili caya ipagatong mo sa apoy; sapagca,t, cun pabayaan mo muna sa bahay may pang̃anib na mabasa; at ang cusang lumalagay sa pang̃anib ay diyan siya mapapang̃anyaya, uica nang Dios Espíritu Santo. Caya ng̃a, cristianong bumabasa nito, ay houag cang paraya sa iyong sarili, na gaya nang ibang marami na ang acala,i, hindi totoong nacacapahamac ang pagbasa nang mang̃a masasamang libro; sapagca,t, hindi masama lamang, cundi casamasamaan ang quinasasapitan nang sumusuay sa mang̃a utos na ito. ¡Ay capatid co! Sinong macapagsasalaysay nang mang̃a casiraang nangyayari sa mang̃a caloloua dahil sa pagbasa nang Páhiná 20mang̃a masasamang libro? Ang uica nang P. Doctor Sardá: «na ang isang masamang librong may taglay na mang̃a tacsil na udyoc, cun mang̃a mahahalay ang halimbaua ay higuit ang casamaan sa mapagcanulong caibigan, higuit ang cahunghang̃an sa mahunghang na maestro, at lalong dapat capootan sa magdaraya,t, mapaghibong tauo. Ualang imic-imic, at di nang̃adaramdaman ay unti-unting binabagbag ang puso, inililigao ang lalong matalinong isip, sinisira ang lalong maayos na cabaitan, hinihila ang calooban sa mang̃a lisiyang asal, pinupucao ang mang̃a mahahalay na pita, pinapaniniig sa maruruming gaua at malibughaang casalanan». ¿Ano caya ang dahil na yaong binatang dating mabait at masunurin sa magulang ay ng̃ayo,i, naguíng Páhiná 21mapagyabang at ualang cahihiyan? Cun ano,t, yaong dalagang dating masayang loob at mahinhing asal ay ng̃ayo,i, laguing namamanglao at caguitla-guitlang ugali? Cun sino ang nagnacao sa canila nang cabaitan, nang cahinhinan, nang casayahan nang loob, sampon nang casiglahan nang canilang catauan? ¡Ay sa aba co! Yaon palang tampalasang libro, yaong mahalay na auit, yaong carumal-dumal na palasintahan, yaong maruruming tula, na paraparang pinatutuloy sa bahay nang ualang pag-iing̃at na magulang! ¡Ay sa aba ninyo, mang̃a magulang! at cayo ng̃a ang hihing̃ang sulit nitong mang̃a casiraang iquinapapahamac nang di mabilang na mang̃a masasama na di ninyo pinalalayo sa inyong bahay at sa camay at mata nang inyong mang̃a Páhiná 22anac! Sapagca,t, maniuala cayo,t, dili, ay uuliting cong sabihin ang sinabi co nang madalas: Ay nagcacasala nang daquilang casalanan ang sino mang cristiano, na baga ma,t, natatalastas niyang baual, ó dapat man lamang ipagbaual, ay bumabasa nang mang̃a tampalasang libro. At di lamang nagcacasala ang bumabasa nang mang̃a librong yaon, cundi pa naman ang nag-iing̃at, sapagca,t, utos nang santa Iglesia na ibigay sa mang̃a Puno, cun dili caya,i, sunuguin. At nagcacasala rin nang daquila ang magpahiram sa ibang ualang pahintulot sa pagbasa nang masasamang libro.
Alinsunod dito sa mang̃a sinabi co magpahang̃an ng̃ayo,i, marahil Páhiná 23nasain mo, cristianong bumabasa, ang ilang malinao,t, tapat na hatol, na parang pinacareglang aalinsunurin; na cun sundin mo naman ay macapang̃ing̃ilag ca sampon nang iyong mang̃a casambahay, mang̃a caibigan nama,t, caquilala, sa mang̃a daquilang pang̃anib na laguing nasusumpung̃an sa pagbasa nang mang̃a masasamang libro. Isasaysay co ng̃a sa iyo ang mang̃a inaacala cong lalong quinacailang̃an at lalong bagay sa pagtatamo nang ninanasa nating paquinabang.
Una-una. Capag banta mong bumili cun bumasa nang anomang libro, munti ma,t, malaqui man, nang diariong may mang̃a lamina,t, uala, nang auit man, tula man, maguing limbag maguing sulat camay, ay bago mong bilhin ó basahin ay dapat mong usisain Páhiná 24muna cun baual, cun dili caya; ó cun dapat maguing baual sapagca,t, masama.—Ang pag-uusisa nito,i, nacacailang̃ang siyasatin mo cun ang librong bibilhin ó babasahin ay natatamaan nang alin man sa mang̃a pitong utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang̃a librong dapat na ipagbaual, na baual na talaga; at ang lalong maigui sa lahat ay magtanong ca sa Confesor, cun sa Cura caya, cun sa canino mang banal na sacerdote; at ang paraan na ito,i, lalong magaling, sapagca,t, malalayo ca sa pang̃anib nang pagcacamali.
Icalaua. Dapat mong tandaang pinacalandas di dapat sinsayan ang houag bumili, at houag bumasa nang ano mang libro, auit, at casulatang uala sa unang fojas na may lubos na pahintulot ang mañga PUNO. Sapagca,t, ang Páhiná 25ayao huming̃i nang pahintulot sa mang̃a Puno ay marahil hindi cristiano, at cun ganoon sucat nang ipaquibilang sa mang̃a baual ang quinathang libro; at cun cristiano naman, at ayao huming̃i nang pahintulot ay hayag siyang souail na cristiano, at masasapantahang magtuturo nang camalian.
Tanto cong magaling na yaong ibang libro,i, di nagcacailang̃an nang pahintulot, at nang mailimbag; at mababasa ng̃a cahit uala ang gayong pahintulot; datapoua,t, sang-ano man ang pag-iing̃at tungcol dito,i, alang̃an pa; sapagca,t, sa casamaang nang mang̃a panahong quinalalag-yan natin ay pati sa mang̃a librong di nagcacailang̃an nang pahintulot, cun magcabihira,i, iguiniguiit din ang mang̃a erejía at mang̃a lisiyang aral: caya ng̃a cailang̃an Páhiná 26din sumigao na ualang tugot: ¡Caing̃at cayo sa mang̃a masasamang libro,t, casulatan!
Napagunaua mo na marahil, na sa toui cong sinasabing cailang̃an ang pahintulot nang mang̃a Puno, ang tinutucoy cong mang̃a Puno ay ang sa santa Iglesia, ang Santo Papa baga at ang mang̃a Poong Obispo, palibhasa,i, sila na lamang ang macahahatol nang cagaling̃an at casamaan nang ano mang libro.
Icatlo. Cun totoong totoo,t, ninanasa mong houag magcamali dito sa daquilang bagay na ito, ang lalong mabisang paraan, na nasasaclauan nang lahat na mang̃a ibang paraang iyong mapipili, ay ito ng̃a: Na houag cang bumili, at houag bumasa nang ano mang libro, diario, auit at ano mang casulatan na di ca maquipagsanguni muna sa Páhiná 27iyong Confesor, sa iyong Amang Cura, cun sa ibang banal na Sacerdote. At ito rin ang dapat mong ipasunod sa iyong mang̃a nasasacupan. Sapagca,t, doon pa sa mang̃a librong hindi masama, at may pahintulot ang mang̃a Puno sa paglimbag, ay marami rin ang di mo nararapat basahin, sapagca,t, marahil macasasama sa iyo; at caya ualang macapaghahatol sa iyo nang tapat gaya nang mang̃a may catungculang magsaquit sa icagagaling nang iyong caloloua.
Sundin mo ng̃a, guilio cong cristiano, itong mang̃a bilin co sa iyo, at ipasunod mo naman sa iyong mang̃a nasasacupan, at hindi ninyong icapapang̃anyaya ang mang̃a masasamang casulatan. At cun sacali,t, dala nang di ninyo carunung̃an nang dacong arao ay may pinatuloy cayo sa inyong Páhiná 28bahay na mang̃a librong masasama ay inyong pagsicapang hanapin, ay dalhin ninyo agad sa Amang Cura cun sa Confesor, na ito ng̃a ang lalong magaling; ng̃uni,t, cun di ninyo magagaua ito,i, sunuguin ninyong tambing. Sunuguin, sunuguing ualang aua,t, hinayang sa salaping ibinili niyong mang̃a libro, at nang houag cayo,i, masunog sa infierno dahilan sa canila.
¡Ay capatid co! cun tularan mo sana ang magandang halimbauang ipinaquita niyaong isang babaying nang̃ang̃alacal nang libro, ayon sa sinasalita ni P. Mach sa caniyang librong «Tesoro del Catequista»:
Nang malapit nang mangyari yaong balitaa,t, malaquing pagcagulo doon sa caharian nang Francía, ay may isang babaying nang̃ang̃alacal nang libro na dinatnan nang balita, na si P. Borgar (Beauregard) ay lubhang mariquit na magsermon, na caya ng̃a hinahang̃aan siya nang lahat na taga Paris. Páhiná 29Dala nang balitang ito,i napasa simbahan nang Nuestra Señora de Paris ang nasabing babayi, at gayac siyang maquiquinyig nang pang̃ang̃aral nang Pareng yaon; at nagcataon naman na ang mang̃a sinasabi nang Pare noong gabing yaon ay pauang nauucol sa mang̃a masasamang libro. Ang naturang babayi, baga ma,t, timtima,t, may puri, ay nagbibili nang mang̃a librong laban sa ating santa Religión at laban din sa magagaling na asal. Anaqui nabulagan siya nang casaquiman sa salapi, gaya nang pagcabulag nang maraming naglalaco,t, nang̃ang̃alacal nang mang̃a mahahalay na palasintahan, auit, corrido at iba,t, iba pang mang̃a masasamang casulatan, at di nila inaanumana ang mang̃a casalanang di mabilang na quinacamtan nila, at ang mang̃a quinacamtan nang iba dahilan sa canila. Ng̃uni,t, ang babaying yao,i, dahil sa pang̃ang̃aral nang Pare ay iminulat niya ang mata nang caniyang isip, caya,t, napagquilala, na ang mang̃a tampalasang librong lumalaban sa santa Religión, at umaaquit sa maruruming hilig nang catauan, ay parang bucal nang camatay-matay na lasong sumisira sa caloloua,t, puso nang tauo; at ang mang̃a nagpapalimbag, nagbibili, cun tumutulong sa papaano mang paraan nang pagcacalat sa mang̃a gayong libro ay catulad nang mang̃a manglalason; at darating ang arao, at sila,i, hihing̃an nang Pang̃inoong-Dios nang mahigpit na pagsusulit sa mang̃a caguluha,t, casalanang nangyari dahil sa canila. Halos Páhiná 30di ng̃a magcasiya sa loob nang babaying yaon ang sisi sa sarili, at napag-unaua na ang pang̃ang̃alacal niya,i, lubhang di carapat-dapat sa isang calolouang may iniing̃atan pang cahihiyan at pagquilala sa Dios; caya ng̃a,t, minabuti niyang lisanin magpacailan man ang paghahanap buhay na yaon. Nang matapus ang sermon ay tinung̃o niya ang bahay nang Pare, at nagsabi sa caniya nang ganito: Aquin napagquiquilala, Ama co, ang cadaquilaan nang aquing pagcacasala sa pagbibili co nang mang̃a masasamang libro; ng̃uni,t, yayang minulan na ninyo ang paggamot sa aquing caloloua,i, lubusin ninyong pagcagaling̃in: pumaroon po cayo sa aquing tindahan, tignan ninyo ang mang̃a librong naroroon, at sunuguin po ninyo ang lahat na mamasamain ninyo. Sang-ano man ang maguing capang̃aluguihan co, at mauala man sa aquin ang lahat cong mang̃a tinubo, ay mamagaanin cong lahat, houag lamang mapacasama ang aquing caloloua. Pinuri ni P. Borgar ang gayong magandang banta, at nang̃acong tutulong̃an siya sa pagganap nang caniyang ninanasa. Quinabucasa,i, naparoon siya, ibinucod ang mang̃a masasamang libro,t, itinuro sa babayi, na quinuha nito,t, isinugbang lahat sa isang malaquing siga na caniyang inihanda. Ang halaga nang mang̃a sinunog na libro,i, mahiguit dao sa sanglibo,t, dalauang daang piso; at magmula noo,i, pinagtiticahan niyang mahigpit na hindi na magbibili nang Páhiná 31mang̃a ibang libro, cundi yaon lamang macapagpapagaling sa mang̃a caloloua.
¡Tularan naua itong magandang halimbaua nang mang̃a sederang naglalaco nang mang̃a bagay bagay na auit at masasamang libro! Tularan mo rin ng̃a, guiniguilio cong bumabasa, cun sacali,t, sa mang̃a nacaraang arao,i, di ca nagpacaing̃at capara nitong babayi; at tungcol sa haharaping arao ay houag cang lumihis munti man sa mang̃a itinuro sa iyo dito sa libritong ito. At isinasamo co pa sa iyo na ipaquilala mo ang libritong ito sa iyong mang̃a hinlog, mang̃a catoto,t, mang̃a caquilala, at nang sila nama,i, gumanap nang mang̃a bilin dito: at cun magcaganoon ay mahahadlang̃an ang marami sa mang̃a capahamacang dala nang masasamang libro,t, casulatan.
¡Loobin naua nang catamis-tamisang Páhiná 32Puso ni Jesús at nang calinis-linisang Puso ni Maria, sampon nang maloualhating Poon san José, na pagpalain nila,t, gauaran nang mahal nilang bendición itong munti cong pagod, upang mapaquinabang̃an nang mang̃a caloloua, at mapatungcol na lahat sa lalong capurihan nang Dios. Siya naua.
Fr. José Rodriguez
Religioso sa Orden ni san Agustin.